Plema
BABALA: Kumunsulta sa inyong doktor kung may allergies, kontra sa inyong maintenance na gamot, o kung angkop ang mga sumusunod na home remedy sa inyong kondisyon. Ang paggamit ng home remedies ay para lamang makatulong sa tamang lunas.
Kapag ang plema ay pinabayaan, nagdudulot ito ng pagkairita ng bronchial tubes at maaaring tumuloy sa upper respiratory infection. Pwedeng gawin ang mga sumusunod:
1. Maghalo ng 1/4 kutsaritang asin sa isang baso ng mainit na tubig. Imumog ang solution at ulitin ng ilang beses.
2. Maghiwa ng lemon at budburan ng kaunting asin at paminta. Sipsipin ito para makatulong sa pagtanggal ng plema.
3. Kumain ng hilaw na luya sa maghapon o kaya ihalo ito sa mga lutuin.
4. Humigop ng chicken soup dalawang beses sa isang araw. Para mas maging epektibo ito, lagyan ng luya at bawang.
5. Maghalo ng tig-1/4 kutsaritang cayenne pepper, ginayat na luya, tig-1 kutsarang honey, apple cider vinegar at 2 kutsarang tubig. Inumin ang mixture tatlong beses sa isang araw.
6. Maghalo ng 1 kutsarang honey sa isang basong mainit na tubig. Inumin ito ilang beses sa isang araw.
7. Mag-juice ng limang carrots at lagyan ng kaunting tubig. Haluan ng 3 kutsaritang honey at haluin. Inumin ito sa maghapon para matanggal ang plema sa lalamunan.
- Latest