^

Para Malibang

Kondisyon ng Penis

MAINGAT KA BA!? - Miss S - Pang-masa

Kung pangangalagaan ang kalusugan, maki­ki­nabang ang iyong sexual health.

Ngunit may mga bagay na dapat isaalang-alang para mag-function ng maayos si ‘Manoy.’

Natalakay na natin ang tungkol sa pagme-maintain ng healthy weight at wastong pagkain.

Makatutulong din ang pagbabawas ng stress. 

Walang magandang dulot sa atin ang stress. Ang stress ay sanhi ng pagre-release ng hormones adrenaline at cortisol. Pinapasikip ng adrenaline ang blood vessels na may negatibong epekto sa erections.

 Kung nakaranas na ng “performance anxiety,” ito ay dahil sa adrenaline release bilang reaksiyon sa nararamdamang kaba.

Ang sobrang cortisol secretion ay nagpapagana sa pagkain kaya naiipon ang taba na maaaring makaa­pekto rin sa sex life. Narito ang tips ng stress management ayon sa www.helpguide.org.

Matutong magsabi ng “no.”  - Alamin ang iyong limitasyon at huwag lumampas dito. Mapa-personal o propesyunal na aspeto ng buhay, gawin lang ang makakaya dahil kung masusobrahan, siguradong magdudulot ito ng stress. Tukuyin kung ang isang gawain ay dapat gawin o kailangang gawin. Kung hindi na kakayanin, matutong humindi.

 Iwasan ang mga taong nakaka-stress sa iyo -  Kung may taong nagdudulot ng stress sa iyong buhay, limitahan ang oras sa taong ito o kaya ay wakasan ang relasyon sa kanya.

Kontrolin ang iyong kapaligiran -  Kung  ang panonood ng balita ay may negatibong epekto sa iyo, iwasan ito, kung nai-stress ka sa traffic, dumiskubre ng ibang daan na mas mabilis o kaya ay  piliin ang biyaheng mas mahaba pero mas komportable ka. Kung hassel sa iyo ang pagmo-mall, subukan ang online shopping. (source: http://www.privategym.com/)

 

 

SEXUAL HEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with