^

Para Malibang

Pangalawang Anino (15)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

TUWING linggo, pinapausukan sina Alona at Roger. Bumabalot sa kanila ang maitim na usok.

At patuloy ang paglaki ng tiyan ni Alona hanggang isang gabi na mamula-mula ang buwan at tila may dalawang aninong kulay itim, nanganak si Alona.          

Isang napakadaling panganganak. Wala siyang kahirap-hirap. Para bang iba ang umiri para sa kanya.

Nang lumabas ang bata, napatanga sina Alona at Roger sa kagandahan nito. “Alam kong napakaganda mo, Alona ...”

“At guwapo ka rin naman, Roger ... pero ang ating anak, higit na higit ang kagandahang taglay. Para bang isang napakaliit na bahagi lang ang namana niya sa ating mga anyo ... hindi yata nanggaling sa atin ang mga katangian ng kanyang ganda.”

“Hindi naman. Huwag mo namang alisin sa ating dalawa ang kredito ng ganda ng anak natin! Napakaganda rin niyang ngumiti, Alona! Parang ikaw!”

“Parang ikaw din!”

“Alona?”

“O? Bakit? Natitigilan ka diyan!”

“May naririnig ka bang ingay ng mga tao?”

“Oo, meron nga ... tingnan mo nga sa bintana, parang nandidiyan lang sila pagdungaw mo, e.”

Mabilis na nakarating sa may-bintana si Roger. At ang kanyang pagtataka ngayon ay nadoble.

“Nandidito na naman ang buong baryo! Lampas-lampas ang dami nila sa ating bakuran, Alona!”

Bago pa nakasagot si Alona ay yumukod ang lahat na taga-Itom. Maliban sa tagapag-alaga na masayang nakangiti kina Alona at Roger.

“Naririto ang lahat para magbigay pugay sa bagong prinsesa. Isang napakaganda at napakalusog na sanggol. Matutupad na ang nakatakda.”

“B-baka kukunin na naman ninyo ang bata para kurut-kurutin na tulad ko noon?” Ninerbiyos si Alona.

Tumapang naman si Roger, akala mo ngayon lang siya nagkaanak. “Itataya ko ang buhay ko sa batang ito! Walang mananakit sa anak ko!”

“Huminahon kayo. Wala sa tradisyon na sasaktan ang inyong anak. Maghahandog lang kami ng mga kulay itim na bagay.” At inilabas ni Tagapag-alaga ang kulay itim na kuwintas na may baligtad na krus bilang alay.

Itutuloy

ALONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with