Special Program ng DepEd
Sa patuloy na pagbibigay ng magandang oportunidad para sa mga estudyante sa lokal o international na competition, ang Department of Education (DepEd) ay patuloy na nag-aalok ng Special Program in Foreign Language (SPFL) para sa lahat ng secondary schools sa buong bansa. Ang SPFL ay tumutulong na madelop ang mga skills sa pakikinig, pagbabasa, pagsusulat, pagpapahayag, at pag-aaral ng second foreign language. Ang layunin ay para matutong makisalamuha sa iba’t ibang kultura. Ang mga lengguwaheng programa na maaaring matutunan ay Spanish, Japanese (Nihongo), French, German, Chinese (Mandarin), at Korean.
Ang SPFL ay bukas mula Grades 7 hanggang 12 na estudyante na nagpapakita ng kakayahan sa Ingles na base sa resulta ng National Achievement Test.
Para tuluyang mahasa ang mga estudyante sa pag-aaral ng foreign language, ang DepEd ay nakipag-ugnayan sa Goethe Institute Philippines (German), Embassy ng Spain, Spanish Agency for International Development Cooperation (AECID) Filipinas and Instituto Cervantes (Spanish), Japan Foundation (Japanese), Confucius Institute-Angeles University Foundation (Chinese-Mandarin), Embassy ng France sa Manila (French) na tutulong sa pagbibigay ng building activities para sa mga kabataan.
- Latest