Sanhi ng Pananakit ni ‘Manoy’ (7)
May iba’t ibang dahilan ang pain sa penis na maaaring may kasabay na pangangati, irritation, at iba pa.
Maaaring ito ay dahil sa aksidente o sakit.
Ang mararamdamang sakit ay depende sa sanhi nito.
Anumang sakit ang nararamdaman sa penis ay dapat bigyan ng pansin lalo na kung nararamdaman ito sa tuwing may erection, tuwing umiihi, at may kasabay na discharge, pamamaga at pamumula.
Ang mga dahilan ng penis pain ay ang Peyronie’s Disease o pagbaliko ng penis, Priapism o ang matagal na erection ng penis na hindi bunga ng arousal at Balanitis na isang infection sa foreskin at sa ulo ng penis na, Sexually Transmitted Infections (STIs), injuries at Urinary Tract Infections (UTIs), Phimosis and Paraphimosis na nauna na nating natalakay.
Ang isa pang maaaring sanhi ng penis pains ay Cancer.
Kung may cancer sa penis, siguradong may mararamdamang pain. Pero hindi naman ito karaniwang nangyayari.
May mga bagay na nakadadagdag ng tsansa na magkaroon ng cancer.
Ito ay ang mga sumusunod:
· paninigarilyo
· hindi pagpapatule
· pagkakaroon ng human papillomavirus infection
· hindi nililinisan ang foreskin ng penis na hindi pa tule
· naggagamot ng psoriasis
(ITUTULOY) (Source:http://www.healthline.com/)
- Latest