Pananakit ng kasukasuan
1. Masahihin nang may pressure ang apektadong parte ng katawan gamit ang warm oil tulad ng coconut, olive, mustard, castor, o garlic oil.
2. Maglagay ng hot compress sa masakit na kasu-kasuan sa loob ng 3 minuto. Pagkatapos tanggalin ay palitan naman ito ng cold compress sa loob ng 1 minuto. Ulitin ang proseso sa loob ng 20 minuto ilang beses kada araw.
3. Maghalo ng 1 kutsarang turmeric powder at kaunting honey sa isang baso ng mainit na gatas. Inumin araw-araw.
4. Masahihin ang kasu-kasuan gamit ang pinaghalong tig-1 kutsarang apple cider vinegar at olive oil. Gawin ito araw-araw hanggang mawala ang pananakit.
5. Gumamit ng capsaicin cream at ipahid sa masakit na bahagi ng katawan.
6. Kumain ng 3 fresh cloves ng bawang araw-araw. Maaari rin uminom ng garlic supplement kung hindi n’yo kaya ang amoy nito.
7. Kumain ng tig-1 kutsara ng pinaghalong luya, turmeric, at fenugreek powder araw-araw sa umaga at gabi hanggang mawala ang pananakit.
- Latest