Gawing Juice ang Gulay
Rekomendado ng mga health expert na at least ay five serving ng gulay sa isang araw. Pero sa ibang tao ay sapilitan pa ang pagkain ng organic na gulay lalo na sa mga bata.
May simpleng solusyon na makatutulong na makakuha ng sapat na nutrisyon sa gulay na kailangan. Habang nai-enjoy pa ang masasarap na vegtables.
Bakit hindi subukan na gawing juice o katasin ang gulay. Ito ay highly recommended para maging bahagi ng healthful diet.
Madali lang ang proseso na hugasan muna ang napiling gulay. Ang iba ay walang sayang dahil pati balat at tangkay ng gulay gaya ng carrots, patatas, kalabasa, pipino, at iba pa. Maging ang ibang prutas na may balat ay isinasama sa blender o juicer.
Puwede pang ilagay sa loob ng refrigerator na maaaring i-stock ng 12 to 24 hours. Para pagdating galing sa opisina o pagkagising ay handa na ang iinumin na ginawang juice na gulay at prutas.
- Latest