School Year 2017-2018
Pinapaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang publiko na maging maingat sa pag-enroll ng kanilang mga anak ngayong susunod na school year 2017-2018.
Kailangan ang mga magulang ay maging mapanuri sa pagpili sa learning institution na papasukan ng mga anak, partikular ang mga private school. Siguraduhin ang eskuwelahan ay accredited o recognized ng DepEd.
Tiyak na ang public school na pinatatakbo ng gobyerno ay automatic na recognized. Importante na ang school na papasukan ng bata na private institution ay mayroong permit to operate o certificate of recognition na issued ng DepEd para garintisado na ang mga estudyanteng enroll ay nasa tamang learning center. Ang permit to operate at certificate of recognition ay iniisyu ng DepED Regional Office na rekomendado ng schools division. Ang mga schools na nag-a-apply ng permit o accreditation ay kailangan sumunod sa requirements at standard na set ng DepEd. Ang permit to operate ay isang pre-requisite sa pagkuha ng business permit para sa private school. Kapag ang private school ay may permit to operate o certificate of recognition, ang estudyante ay magiging registred sa Learner Information System (LIS) na may issue ng Learner Reference Number (LRN). Ang LIS ay isang system na register profile o basic information ng estudyante habang ang LRN ay issue ng school na may government recognition.
Ang LRN ay permanenteng 12-digit number ng pupil habang kinokumpleto ang basic education program, kahit pa lumipat sa ibang school sa public o private man; hanggang sa promotion na secondary level. Ang bawat student ay may LRN na nakalagay ang permanent record, report card, examination, certificate, diploma, at iba pang dokumento.
Inaasahan na sa mga darating na buwan ang Kindergarten hanggang Grade 10 ay maghahanda na sa pagsisimula para sa maagang registration ng mga schools para sa susunod na school year.
- Latest