Natural na pampaputi ng balat
1. Marahang ikuskos ang plain yogurt sa balat. Iwan ito ng ilang minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ito isang beses kada araw sa loob ng ilang linggo hanggang makita ang epekto.
2. Maghalo ng dalawang kutsarang orange juice at isang kurot ng turmeric. Ipahid ang mixture sa mukha at leeg bago matulog. Maaari rin itong ilagay sa kamay at hita. Banlawan ito pagkatapos ng 30 minuto.
3. Maglagay ng pure honey sa mukha at iwan ito ng ilang minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Nakakatanggal ito ng dead skin cells at resulta nito ang maaliwalas na mukha. Gawin ito isang beses kada araw.
4. Maghalo ng tig-isang kutsaritang lemon juice, powdered milk, at honey. Ipahid ang mixture sa balat at iwan ito ng 20 minuto bago banlawan. Gawin ito araw-araw.
5. Magpahid ng fresh aloe vera gel sa balat at iwan ng 30 minuto bago banlawan ng tubig. Gawin ito dalawang beses kada araw sa loob ng dalawang linggo.
6. Kumain ng papaya. May cleansing properties ang nasabing prutas na nakakalinis ng dumi sa balat.
7. Maghalo ng turmeric powder at milk cream para makagawa ng thick paste. Ipahid ito sa balat at hayaang matuyo bago banlawan ng maligamgam na tubig.
- Latest