Hindi Kasundo ang Ama
Panaginip: Naghihingalo ang aking boyfriend. Hindi ko malaman ang aking gagawin. Dumating ang aking ama pero di niya pinansin ang paghingi ko ng tulong sa kanya. Sinigawan ko siya at sinumbatan na kahit kailan ay wala siyang malasakit sa akin. Hindi nagsasalita ang aking ama at tuluy-tuloy siya sa kanyang kuwarto.---MSA
Interpretation: Kumusta ang relasyon mo sa iyong ama? Ang iyong boyfriend ay simbolo ng “male side” ng iyong personality, samantalang ang “paghihingalo” ay simbolo ng klase ng relasyon ninyong mag-ama. Ang iyong “male side” ang nagiging dahilan ng pangit mong relasyon sa iyong ama. Lahat ng tao ay may male at female personality upang maging balanse ang buong pagkatao.
- Latest