Constipation o Hirap sa Pagdumi
Karaniwan sa mga nakakaranas ng constipation o hirap magdumi ay sa mga matatanda, walang exercise, less active, sa indibidwal o bata na ang diet ay hindi sapat na fiber na kinakain araw-araw.
Normal na bowel movement na tatlo sa maghapon at tatlong beses sa isang linggo. Akala nang iba ay may constipation kapag hindi nakakapagbawas. Ang constipation ay mahirap sa pagdudumi, matigas, at feeling na hindi pa nailabas lahat.
Mahalaga na kumain ng pagkain na mayaman sa fiber tulad ng gulay at prutas. Rekomendado ng mga experts na at least ay 25 grams ng fiber in take sa isang araw. Pero halos lima hanggang sampung grams lang ang nakakain natin sa isang araw.
Kailangang kumain ng high in fiber na makakatulong at mabilis na matunaw at lumambot ang dumi. Maaaring kumain ng wholegrain breads, sariwang prutas tulad ng abokado, berries, high-fiber na cereals na oat; gulay na cauliflower, carrots, broccoli, at iba pa. Uminom din ng maraming tubig. Ang aim ay uminom ng anim hanggang walong basong tubig sa isang araw.
Magbabago ang bowel habits sa simpleng diet na high in fiber at pag-inom ng tubig.
- Latest