Masakit ang Tiyan, Puson, at Balakang (11)
Ang pananakit ng tiyan, balakang, puson, at likuran ay puwedeng simpleng problema lang ang dahilan pero maaaring may seryosong dahilan ito.
Puwede rin namang dahil ito sa Irritable Bowel Syndrome.
Ang Irritable Bowel Syndrome ay karaniwang disorder na nakakaapekto sa large intestine (colon).
Ang Irritable bowel syndrome ay nagiging dahilan ng cramping, abdominal pain, bloating, gas, diarrhea, at constipation.
Bigla-bigla na lang mararamdaman ang sakit sa tiyan.
Maaaring mawala ang nararamdamang sakit pagkatapos ‘magbawas.’
Ang mararamdaman pain ay depende kung mayroon kang constipation o diarrhea. Mas lalala ang mga sintomas kapag dumarating ang period.
Makararamdam din ng pressure kapag nagbabawas. Minsan ay pakiramdam mo’y nailabas mo nang lahat ngunit parang mayroon pang naiwan. May mararamdaman ding kakaiba sa tiyan na parang puno ang tiyan.
Ang IBS ay isang chronic condition na kailangang i-manage ng long term.
- Latest