^

Para Malibang

Pangako na Napako

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Nakatapos ako ng high school. Pero biglang nawalan kami ng magulang ng dahil sa napasama sila sa natokhang. Naghiwalay kami ng kapatid kong lalaki na 10 years old. Ako ay napunta sa tita ko na kapatid ni mama. Promise ni tita ay pag-aaralin niya ako sa college. Pero lumipas na ang apat na taon ay nagsilbi lang akong yaya at katulong sa kanilang bahay. May suweldo naman ako kaso ang masaklap, ang daming kaltas dahil sa bayad ko sa shampoo, pagkain, at ilaw sa kanilang bahay. Gusto ko nang umalis sa kanilang poder, niyaya ako ng kaibigan ko na mag-apply ng DH sa Hong Kong na libre raw ang training. Paano ba ako magpapaalam sa tita ko na pinagmumukha pa akong may utang na loob sa kanila. -Gigi

Dear Gigi,

Panahon na para magsalita ka. Hindi kailangang makipag-away sa kanila kundi magpaalam ka ng plano mong magtrabaho sa ibang bansa. Tiyak na maiintindihan ka ng iyong tita sa maganda mong plano at direksiyon na pupuntahan. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil ang buhay ay parang gulong na minsan ay nasa ibaba at minsan ay makakaahon ka rin balang araw.

Sumasainyo,

Vanezza

IDAING MO KAY VANEZZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with