^

Para Malibang

House of Death (134)

PRODUKTIBO - Gilda Olividado - Pang-masa

MABILIS nakapag-isip si Azon kung paano mapeperahan ang kanyang magandang sitwasyon.

“Wala akong sasabihin hanggang hindi ako nakakatanggap ng pinakamalaking paunang bayad. At pinakamalaking bayad sa pagsasalita ko. Dito lang ako maghihintay ng makakasundo ko sa proyektong ito.”

Napapakamot ang ilan sa mga taga-media. May inis sa pagkatuso ni Azon. May hanga sa utak nito.

Hindi naman matagal ang paghihintay ni Azon. Agad tumawag sa kanya-kanyang production manager ang mga reporters.

At nag-offer kaagad kay Azon.

Nakapili na si Azon, malaking bayad, malaking down payment.

“O, kayong mga hindi ko napili, lumayu-layo na kayo dito. Dahil ayokong marinig ninyo ang ikukuwento ko dito sa mga nakakuha ng aking serbisyo. Pero huwag kayong mag-alala, hindi naman nila solo ang serbisyo ko lalo na sa ibang araw. Maaring may mga nalalabi pa akong gustong ikuwento. O kaya, baka may mga bago na naman kaming karanasan sa minumultong mansiyon na iyan, kapag nilakihan ninyo ang inyong mga offer at downpayments, kayo naman ang seserbisyuhan ko. Okay  ba?”

Matamlay na tumango at lumayo ang mga natalo sa “bidding”.

Humarap na si Azon sa network na nakakuha sa kanyang serbisyo bilang resource person.

“Kayo naman, dito lang tayo sa labas. Kumuha kayo ng malaking tent at mauupuan. Background lang natin ang haunted mansiyon na iyan.”

Umangal ang taga-network pati ang reporter nito. “Bakit dito lang? Bakit background lang ang mansiyon at malawak na bakuran? Gusto naming pumasok sa loob, doon tayo magkakaroon ng interview. Gusto naming makita at maramdaman kung ano ang loob ng haunted mansion na ‘yan.” Medyo bumalik ang nerbiyos ni Azon.

Naalala noong hinabol siya ng antigong wheelchair sa bodega ng mansiyon, na kung hindi siya mabilis na nakalabas ay maaring siya naman ang napatay.

“Naku, baka kung mapaano kayo. Marami na ngang napatay diyan sa loob ng bakuran at mansiyon, e. May pari, may barangay captain, may hepe at dalawang pulis. Gusto ninyong sumugal?”

“Bahagi ng trabaho namin ang sumuong sa panganib. Mag-iingat na lang po kami. Gusto namin sa loob ang set-up ng interview tutal ang laki naman ng bayad sa inyo.”  ITUTULOY

 

AZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with