Tricks para iwas hangover
Sa papalapit na holiday season, tiyak na may inuman pero may paraan para maiwasan ang epekto ng hangover na madaling gawin sa ilang party tricks. Ang alcohol ay madaling ma-absorb kapag walang laman ang tiyan. Para hindi maparami ang inom ay kumain na agad. Para madali ring makatanggi sa tropa. Puwedeng lantakan ang pulutan at konti lang ang inom ng alak. Ang zinc mula sa oyster at kalabasa ay nakatutulong na ma-detox ang anumang lason o alak na nainom. Ang brown liquor o may kulay na alak tulad ng scoth, tequila, beer, red wine ay naglalaman ng congeners na nagbibigay ng flavor na nagpapasakit ng ulo pagkatapos malasing. Magandang piliin ang gin, vodka, o clear wine para konting sipa lang ang epekto sa tiyan at sakit ng ulo.
Ang alak ay diuretic na tulad ng drugs ay mabilis na nag-aalis o nagpapatuyo ng tubig sa katawan. Ang pakiramdam ay laging nauuhaw kaya panay din ang lagok ng alak dahil feeling tuyo ang lalamunan. Uminom ng tubig para maiwasan ang dehyration na mas maganda kung tunaw na yelo para masarap inumin ang tubig. Isang technique sa inuman ay bilangin kung ilang shot ng bote o baso ang inumin. Mas konti ang tagay ay less din ang mararamdamang hangover kinabukasan. Sa umpukan ng pulutan, mas healthy kung kakain ng mani, walnut, at avocado na nagpapabagal ng absorption ng alcohol sa katawan. Maging ang fruit juice at fructose na mayaman sa honey ay nakatutulong na ma-metabolize ang kinain at alak na ininom magdamag.
- Latest