Senyales kung kulang sa nutrisyon
Ang healthy diet ay maganda sa kalusugan para maging maayos din ang function ng bawat bahagi ng katawan. Pero dahil sa sobrang kabisihan at lifestyle, madalas ay hindi nasusunod ang dapat na eating pattern. Ito naman ay nagreresulta ng vitamin deficiency sa kalusugan.
Dapat alam ang sign nang kakulangan ng nutrisyon kapag may napapansing kakaiba sa katawan. Tulad ng white spots sa mga kuko na ibig sabihin ay low in zinc at kulang sa mineral. Kapag may katarata sa mga mata na kulang sa chromium na mahalagang mineral na nakatutulong ma-regulate ang blood sugar levels. Malaking eye bags at nangingitim sa paligid ng mata ay dahil sa kakulangan sa vitamin B12; nagbibitak na labi ay kulang sa B2. Laging namamagang lalamunan dahil sa iodine deficiency. Naglalagas na buhok na kulang sa Vit. C. Stretch mark at dry skin na kulang sa Vit. A at Vit C. Marami pang ibang senyales na hindi napapansin dahil sa vitamins at minerals deficiency.
Kaya laging siguraduhin na kumain nang sapat at masustansiyang pagkain para mapunuan ang nutrisyon na kailangan sa kalusugan.
- Latest