Sino’ng Unang Nangangalabit si Mister o Misis?
* Hay naku yung mister ko taga-kalabit kaso nakakainis. Sabi ko huwag akong kakalabitin sa madaling araw kasi hirap akong bumalik ng tulog. Buwiset ‘di ba. Puwede naman sana kahit bago mag-alas dose. Kaso talagang madaling araw. – Mean, Las Piñas
* Siyempre ako rin kumakalabit sa mister ko noh. Hindi siya makatanggi kahit mataba na ako. Basta ang mahalaga ay luvs pa rin namin ang isa’t isa. Kahit sino pa ang kumakalabit sa gabi. – Lottie, Manila
* Naku, hindi na ako binigbigyan ng oras ng asawa ko. Kaya hindi na ako naghihintay ng kalabit niya. Basta mag-intrega lang siya ng budget namin ay okey na ko. Pero siyempre may sukling karino pag-abot niya ng sahod. Ganern. – Michelle, Bacoor
* Sori malas na ng mister ko. Kahit anong kalabit niya wala nang effect sa akin. Kasi wala na akong ovaries at matris. Kasabay noh, para wala na rin akong gana sa kalabitan. Meron man saglit lang. Kaya nasanay na rin ang mister ko na sleep na agad ang beauty ko pag gabi na. Holding hands, yakap, at pag-aasikako ko na lang sa kanya. Ewan ko ba nabawasan na ang desire kong mangalabit mula nang maoperahan ako. – Gigi, Calamba
* Sa edad nami ni Manong mo na thunders na. Wala nang kalabitan, meron man hindi na masyado dahil mahihina na ang tuhod namin. Pero kapag nangalabit si mister aba, hindi naman akong natanggi dahil kaya pa rin lumaban ng lola mo mga apo. – Lola Cora, Mindoro
- Latest