Holiday blues syndrome
Ilang kembot na lang Christmas na, ngayon pa lang ay alamin agad kung kanino at saan ipagdiriwang ang nalalapit na kapaskuhan, para maiwasan ang holiday blues.
Tulad ng mag-shopping agad para hindi na muling maranasan ang last minute rush. Para maagang makapagbalot na rin ng mga regalo.
Tandaan na huwag bibili ng bagay na hindi naman afford. Mas mahalaga na ipaalam sa loved ones kung gaano sila kahalaga sa iyo, kaysa sa mamahaling regalo. Ang intimate moment ay nagtatanggal ng stress na nagpapasaya pa sa bonding ng pamilya.
Huwag mag-isa, kundi mag-reach out din ng ibang kapamilya na alam na maaaring nalulungkot tuwing holiday season. Mag-volunteer na abutin ang kaibigan na nalulungkot kapag ganitong panahon dahil nami-miss na hindi kasama ang kanilang pamilya. Tiyak na magpapasigla at magpapasaya sa katulad nilang nakararanas lagi ng holiday blues syndrome.
- Latest