Suka panlinis sa bintanang salamin
Isa sa mga mahirap linisin ay mga bintanang salamin. Kapag hindi kasi nalinisan ito nang mabuti ay kitang-kita agad ang mga mantsa at dumi. Kung gagamit ng paper towel at sabon ay siguradong nag-iiwan ito ng mantsa kapag natuyo. Hindi klarong-klaro ang mga bintana.
Ang tamang panlinis sa mga bintanang salamin ay sukang puti. Maghalo lang ng 2 kutsarang sukang puti sa isang galon ng tubig. Isalin ang mixture sa spray bottle at ito ang gamitin sa pag-spray sa mga bintana.
Gumamit naman ng microfiber cloth sa pagpunas ng bintana para siguradong walang maiiwang dumi o mantsa. Hindi na kailangan pang sabunin ang mga bintana dahil suka at tubig lamang ay siguradong malinis na malinis at makintab na ang inyong mga bintanang salamin.
Ito po ang inyong Kumpunerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!
- Latest