Double chin
1. Ngumuya ng sugar-free gums para ma-exercise ang inyong panga at maiwasan ang paglaki lalo ng double chin.
2. Magpainit ng ilang kutsara ng cocoa butter sa microwave. Dahan-dahang masahihin ang leeg at double chin ng cocoa butter. Gawin ito araw-araw bago maligo sa umaga at bago matulog sa gabi.
3. Bago matulog pahiran ng wheat germ oil ang double chin at masahihin ng 15 minuto. Iwan ito magdamag.
4. Mag-bate ng 2 egg whites, tig-1 kutsarang gatas, honey, at lemon juice. Patakan ang mixture ng peppermint essential oil. Ipahid ito at gawin mask sa baba at leeg. Iwan ng 30 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.
5. Gumawa ng mask gamit ang pinaghalong 1 kutsarang glycerin, 1/2 kutsarang Epsom salt at ilang patak ng peppermint oil. Gamit ang bulak, pahiran ang double chin at iwan hangang matuyo. Banlawan ng malamig na tubig.
6. Uminom ng green taw sa umaga at maaari rin uminom sa maghapon.
7. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa vitamin E tulad ng green leafy vegetables, dairy products, brown rice, barley, legumes, nuts, beans, atay, at mani.
- Latest