Maitim na hita
Masahihin ang inner thigh ng aloe vera gel at iwan ito ng 20 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ito 2 beses kada araw.
Masahihin ng inner thigh ng plain yogurt at iwan ng 15 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig. Gawin ito araw-araw.
Pahiran ng lemon juice ang maitim na inner thigh gamit ang bulak at iwan ng 20 minuto bago banlawan ng malamig na tubig. Gawin ito 3 beses sa isang linggo.
Maghalo ng 2 kutsarang oatmeal at saktong dami ng tomato juice para maging thick paste. Ipahid ito sa hita at iwan ng 20 minuto at kuskusin gamit ang kaunting tubig para matanggal ang dead skin. Banlawan ng malamig na tubig. Gawin ito 3 beses sa isang linggo.
Magkuskos ng hiniwang pipino sa inner thigh ng 10 minuto at iwan ng 5 minuto bago banlawan ng tubig. Gawin ito 2 beses sa isang araw.
Maghalo ng 3 kutsarang coconut oil at 2 kutsarang lemon juice. Ipahid ito sa hit at masahihin ng 15 minuto at iwan ng 5 minuto bao banlawan ng maligamgam na tubig.
Maghalo ng 1 kutsarang baking soda at gatas o tubig para maging paste. Lagyan ng honey at haluing mabuti. Ipahid ito sa hita at masahihin paikot ng ilang minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.
- Latest