^

Para Malibang

Ang Mayaman at si Lazaro

Pang-masa

May isang taong mayaman  na nakadamit ng kulay ube at maselang lino na araw-araw ay kumakain ng sagana. At isang pulubi na si Lazaro, na puno ng sugat na nasa pintuan. Naghahangad na mapakain kahit mumo na nangahuhulog mula sa mayaman. Lumapit pati mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat.  

Isang araw ay namatay ang pulubi at siya’y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: namatay din ang mayaman, at inilibing. Ito ay nasa Hades  o impyerno ng pagdurusa at natanaw niya sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.  Sumigaw ang mayaman, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka’t naghihirap ako sa alab na ito. Sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay. At may malaking bangin sa pagitan ni Lazaro at mayaman. Pero walang makatawid.  Nagmamakaawa ang mayaman, na sabihan ang kanyang  limang kapatid na lalake patungkol sa impiyerno. Sumagot si Abraham na dapat  na sila’y magsisisi. At sinabi niya sa kaniya, kung ‘di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta, ay ‘di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa’y magbangon sa mga patay.

LAZARO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with