Babaeng ‘Tin Man’
Grabe na ‘to! Kung ang karamihan sa atin ay ang pag-i-stretch ang unang ginagawa paggising sa umaga, ibahin natin si Nicola Whitehill. Ang pinakauna kasi niyang seremonyas pagkagising ay maligo sa oil ng tatlong oras! Ito’y para lumambot ang kanyang balat at maigalaw niya nang maayos ang kanyang mga braso at hita.
Parang siya ang real “Tin Man” ng The Wonderful Wizard of Oz dahil nga limitado ang kanyang paggalaw. Mayroon siyang Raynaud’s phenomenon at systematic sclerosis. Naninigas ang kanyang balat na siyang naglilimita ng kanyang paggalaw. Nangingitim at nananakit ang kanyang mga dalari ‘pag sobrang nalalamigan. At kailangan niyang magsuot palagi ng gloves para mapanatiling mainit ang kanyang mga kamay.
“When I wake up I’m like the Tin Man. My whole body is stiff and feels like leather,” she said. “I have to bathe in liquid paraffin and then cover myself in cream, otherwise I can’t even straighten my arms out in front of me,’ paliwanag niya.
Ang Raynaud’s phenomenon ay nakaaapekto sa blood supply sa ating katawan, karaniwang sa mga daliri ng kamay at paa.
- Latest