Memory Bank ng Anak
Mabilis lang ang panahon kaya araw-araw na magdeposito ng magagandang memory sa bangko ng mga anak.
Responsebilidad ng mga magulang na alagaan at mahalin ang mga anak. Sa kabila ng hectic ang schedule, pero maraming paraan para maging malapit sa mga bata.
Huwag kalimutan na bigyan ng oras ang mga anak, lalo na kung weekends o holidays kung saan parehong walang pasok sa opisina at eskuwelahan.
Kapag tinanong ang mga kids kung ano ang spelling ng love, ang madalas na sagot ng mga bagests ay T-I-M-E. Ang ibig sabihin ay bigyan sila ng quality at quantity time.
Wala nang hihigit pa sa oras na inilalaan na kasama ang mga anak. Dahil minsan lang silang maging bata.
- Latest