Healing process mula sa naulila
Papalapit na naman ang Undas sa Nov. 1 bilang paggunita sa mga namayapang mahal sa buhay o kamag-anak. Hindi madaling kalimutan ang namayapang loved ones. Pero hindi rin kailangan na pahirapan ang sarili sa pag-let go sa mga taong naging bahagi ng buhay. Ang pag-iisip ng magandang pananaw ay mas makatutulong na maintindihan na kung paano ang lahat ng bagay ay nangyari sa perpekto at divine order ng Panginoon patungkol sa maikling buhay at kamatayan ng sinoman. Pero tandaan ang pagmamahal ay mas makapangyarihan na kahit ang kamatayan ay hindi makapipigil na mahiwalay sa mahal sa buhay. Hindi rin maaagaw ang magagandang memories at laging buhay na puwedeng sariwain sa puso at isipan mula sa ating pinakamamahal sa buhay.
Damhin ang sakit ng pagkawala ng loved ones at yakapin ito. Kapag handa na ay darating din ang isang araw na hayaan itong i-let go. Hindi makukumpleto ang healing process hanggang pakawalan ito sa puso at isipan. Saka pa lang makararamdam ng maging masaya muli sa buhay.
- Latest