^

Para Malibang

Empleyado sa Toy Store Ginawang ‘Laruan’

MRYOSO - Doris Franche-Borja - Pang-masa

Mistulang naging ‘laruan’ ang mga empleyado ng isang toy store. Magmula raw kasi 1970s kakaiba ang nangyayari sa mga empleyado nila. Ang madalas ay naririnig ng mga staff ang kanilang pangalan na ibinubulong. May mga malalamig din silang ihip ng hangin na nararamdaman sa loob ng tindahan. Kadalasan pa ay may mga gamit pang gumagalaw na mag-isa.

Ang mga gripo rin ay mag-isang nagbubukas sa banyo ng mga babae at marami sa mga babaeng empleyado ng toy store ang nakaranas nang paglaruan ang kanilang buhok ng hindi nakikitang nilalang.

Ang larawan ay kuha gamit ang “infrared sensitive camera” sa isang session sa toy store nang magkaroon ng shooting para sa mga kakaibang nangyayari. Ang makikitang nakatayo sa larawan ay hindi nakilala at hindi ito nakuha ng ibang ca­mera na nagri-record.­

Ayon sa mga paranormal expert, ang pigura umano ay si Johnny Johnson, isang Scandinavian na minsang nagtrabaho sa dating bukid na kinatitirikan ng toy store sa kasalukuyan. Noong 1884, habang nagsisibak ng kahoy si Johnny ay aksidente nitong natamaan ang sarili ng axe kung saan naubusan siya ng dugo at namatay dahil mag-isa siya sa bukid.

Posible ba talagang manirahan ang kaluluwa sa lugar kung saan siya namatay? Hindi kaya mga guni-guni lang dahil sa mga kuwento ang naranasan ng mga empleyado ng toy store? Kayo na ang humusga.

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with