Dalaga Naka-survive Kahit Nanigas na ang Katawan sa Lamig
Gabi ng Disyembre 20 taong 1980 ay may kataka-takang aksidente ang nangyari sa Lengby Minnesota. Ang noo’y 19-year-old na si Jean Hilliard ay papunta sa bahay ng kanyang mga magulang nang masiraan at ma-stuck siya sa gitna ng snow. Dahil hindi niya mapagana ang sasakyan ay nagdesisyon siyang maglakad papunta sa bahay ng kaibigan na dalawang milya ang layo.
Umabot naman si Jean sa driveway ng kanyang kaibigan pero nag-collapse na ang dalaga sa hypothermia. Hindi siya nakita ng kanyang kaibigan.
Anim na oras nakahiga sa snow si Jean habang umabot sa -22 degrees Celcius ang temperatura.
Nakita na lang siya ng kanyang kaibigan kinaumagahan na. Matigas na matigas ang kanyang katawan at kinailangan siyang isakay sa kotse ng patagilid para madala sa ospital.
Pagkadating sa ospital ay wala silang nakukuhang response kay Jean. Ayon pa sa balita ng New York Times, sa sobrang tigas ng kanyang balat ay hindi maturukan ng karayom si Jean para sa gamot. Maging ang kanyang temperatura ay hindi makuha ng thermometer dahil sa sobrang lamig niya. Ang kanyang pulso ay bumama sa 12 beats per minute.
Binalot si Jean ng mga nurse ng electric blanket at matapos ang 49 na araw ay nagising siya na walang permanenteng damage sa katawan at utak maliban sa frostbite.
Sa palagay n’yo kaya ba talaga ng tao maka-survive sa sobrang lamig na temperatura? O baka naman isa itong himala? Kayo na ang humusga.
- Latest