^

Para Malibang

Solusyon sa Sinok

PITO-PITO - Pang-masa

1. Ang pag-inom ng ma­­lamig na tubig ay nagbibigay ng “shock” sa ating katawan. Ma­ba­baling sa shock ang ating sistema para mawala ang pagsinok.

2. Ang pagpigil ng hi­ninga ay makakaipon ng carbon dioxide sa bloodstream. Ito ang magdi-distract sa ating isip para matigil ang cycle ng pagsinok.

3. Mainam naman lalo na sa mga bata ang asukal. Iwan sa bibig ang isang kutsaritang asukal at hayaan itong matunaw nang hindi ito nginunguya. Nag-i-stimulate ng vagus nerve ang pagkonsumo ng asukal na natautulong sa pagtigil sa pagsinok.

4. Uminom ng ka­la­ha­ting kutsaritang suka – white, cane, o apple cider. Maaari rin mag­halo ng isang kutsaritang suka sa tubig at inumin nang dahan-dahan.

5. Ang pagkain ng peanut butter ay nakatutulong din sa pagpapawala ng sinok dahil sa malapot na consistency nito. Sa pagkain ng peanut butter nai-interrupt ang normal na paghinga kaya mapipigil ang pagsinok.

6. Isa pa sa matagal nang mabisang solusyon sa sinok ang paghinga sa paper bag. Huminga lang nang malalim at dahan-dahan sa brown paper bag.

7. Tulad ng suka ang pag-inom ng kalahating kutsaritang lemon juice ay nagbibigay ng shock sa ating isip para mabaling ang atensyon at mapigilan ang pagsinok.

GRABE NA TO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with