Bagong mundo ng anak
Hindi pare-pareho ang edad ng mga batang sa pamilya, kaya iba-iba rin ang paghahandang gagawin sa pagbubukas ng klase ngayong taon.
Madalas ang ipinag-aalala ay yung mga estudyante mula sa Preschoolers dahil maraming isyu na dapat pagtuunan.
Dahil sa transition period nahihirapan ang bata na magpaiwan sa loob ng klase. Meron ding hindi pa marunong kumain mag-isa at hindi pa kayang gumamit ng comfort room kahit nasa edad 4 or 5 years old na dahil na rin naninibago sila sa paligid.
Kausapin ang teacher kapag hindi pumayag na magpaiwan ang anak. Planuhin na samahan ang anak sa classroom kahit ilang araw. Maghanap din ng mga bagay na magugustuhan ng bata sa loob ng klase. Karamihan kasi ang mga bata ay madaling ma-attract sa mga bagay na puwedeng paglaruan. Ipakilala rin sila sa kanilang mga classmates kung saan maibabaling ang kanilang atensiyon. Ilang araw lang ay makakalma na ang takot ng bata. Hanggang araw-araw ay magiging excited na itong pumasok sa kanyang bagong mundo sa loob ng eskuwelahan.
- Latest