Gulay Mahalaga sa Atay
Kapag kumakain ng mga unhealthy food at nakararamdam ng pagkapagod, oras na para ma-detox ang atay. Ang liver ay responsible para malinis ang mga chemicals sa ating katawan na minsan ang atay ay nangangailangan din ng konting tulong para mapabilis ang proseso nito. Kung dati ay ipinagpipilitan pa sa mga bata ang pagkain ng gulay, ngayong malaki na at nakauunawa ng kahalagahan ng fiber sa katawan. Samantalahin kumain at siguraduhing laging may gulay sa lamesa upang ma-detoxify ang liver at mabilis na gumana ang pagdaloy at kilos ng ating atay.
Lahat kasi ng berdeng gulay at prutas ay makatutulong na malinis ang mga toxic na nakaharang sa daluyan ng atay palabas upang maitapon ang basura sa katawan.
- Latest