Ang Hanger sa Monitor
1—Dapat ay may tatlong iba’t ibang hobbies ka sa buhay: una, hobby na puwede mong pagkakitaan; ikalawa, hobby na ikagaganda ng iyong kalusugan at ikatlo, hobby na mailalabas mo ang iyong pagiging malikhain.
2—Kapag inuubo at may plemang nakabara sa lalamunan: Uminom ng isa o dalawang lagok na tubig maya’t maya para matanggal ang plema at manatiling hydrated ang lalamunan. Tuyong lalamunan ang nagiging sanhi ng pag-ubo.
3—Tip sa mga magagandang babae na 25 below: Kung sa isang party ay may nanlalandi sa iyo na lalaking “thunders” as in matanda. Tawagin mo siyang “tatay o manong” at ipagdiinan mo ang po at opo sa pakikipag-usap.
4—Para maging “cool” ang pagta-type sa computer, gawin ang nasa larawan: Kumuha ng pants hanger (may dalawang clip sa magkabilang dulo, ginagamit sa deparment stores). Ikabit sa ibabaw ng monitor. Ito ang gamiting sabitan ng pinakokopyahan ng iyong tina-type na report.
Source: Life Tips and Tricks (Twitter)
- Latest