Scientific na Rason Bakit Nai-in love
Lahat ay napapalingon sa red roses at heart-shape chocalates dahil sa papalapit na Valentine’s Day. May paliwanag din ang science patungkol sa love - love na nararamdaman kung paano biologically ang katawan at utak ay na-under spell sa ngalan ng pag-ibig. May ilang chemicals sa brain at katawan ng tao na lalong sumisigla ang kondisyon kapag nai- in love:
Dopamine –Ayon sa pag-aaral ni Helen Fisher, isang PhD. Biological Anthropologist, ang tingin ng taong in love sa kanyang ka-partner ay unique na bukod tanging nag-iisa ito sa mundo, at hindi maibabaling ang kanyang pagmamahal sa iba. Gumagana kasi ang single-minded ng isang tao dahil tumataas ang level sa paligid ng central dopamine o epinerphrine. Isang chemical na nakapokus lang ang atensyon ng utak sa iisang tao. Lumalakas din ang hatak ng taong nagugustuhan nito kaya nagkakaroon ng intense romantic attraction sa direksyon ng karelasyon. Nagpo-produce rin ng neurons sa gitna ng utak na lalong nagpapabilis ng nagpapatibok ng puso. Hindi nakapagtataka ang mga taong in love ay nakapagsusulat ng touching na lyrics, kanta, at poem. Nagpapalakas din ng stamina at may kakaibang ecstasy sa tuwing naghahalikan, magkayakap, at lalo na kapag nagla-love making ang magsing-irog.
Norepinerphrine – Chemicals sa utak na humahatak na parang drugs tulad ng cocoine na hinahanap singhutin. Kapag head over heels in love ang tao ay parang addict din tulad ng pagkagusto sa nakatatakam na chocolate. Napakasarap naman talaga ng tsokolate na sa tikim mula sa taste buds ng dila ay hinahanap-hanap na ang tamis nito na mahirap pakawalan. Tulad sa first love na karanasan ay parang unang tikim din sa tamis at sarap ng tsokolate na parang bad habit na mahirap ma-break.
Oxytocin –Ang utak pala ng in love ay kakaiba sa nararanasan ng isang tao na may pagnanasa lang sa opposite sex. Kumpara sa taong may long-term commitment sa isang relasyon. Tulad ng oxytocin isang chemicals na kilala bilang commitment neuro-modulator. Dumadaloy ito sa utak na kapag na-trigger ay nagkakaroon ng attachment sa isang bagay. Lalo na kapag na in love dahil nabubuo ang isang bonding na nagbibigay kasiyahan at kulay sa kanilang paligid. Kaya ang mga in love ay nagkakaroon din ng sariling mundo.
Serotonin Neuron – Feeling na maguguho ang mundo kapag iniwan ng nobyo, nabasted, o nagkaroon ng broken hearted. Bumababa ang level ng serotonin kaya nagkakaroon ng Obsessive Compulsive Disorder (OCD) dahil sa rejection na naranasan nito.
May paliwanag man ang siyensiya kung anong nagagawa ng pag-ibig sa isang tao; madalas mahirap pa rin maipaliwanag ang hiwaga ng epekto at dala ng love-love sa bawat indibidwal. Kaya ibinabahagi ang pagmamahal sa dyowa, asawa, anak, pamilya, o kaibigan na dapat iniingatan at pinapalagahan naman ng lahat.
- Latest