^

Para Malibang

Mas uso ang pakikipag-date kaysa mamahaling regalo kung manliligaw sa Turkey

Pang-masa

Hindi uso ang bigayan ng regalo sa bansang Turkey kung ika’y nagpapa-impress o gusto mong manligaw, o magpakilala at bumuo ng matibay na relasyon. Mas katanggap-tanggap at nanaisin pa nila ang kumain sa labas o kaya’y mag-sight seeing kaysa sa mga mamahaling regalo.

Pero kung magbibigay ka ng regalo ay malugod naman nilang tinatanggap ang mga ito. Mas mainam kung magreregalo ng pagkain, kagamitan, o crafts mula sa bansang pinagmulan. Maa-appreciate nila ito dahil artistic silang mga tao.

Maging maingat din sa pagbibigay ng alak, ang bansang Turkey kasi ay isang Muslim country. Kaya siguruhing umiinom ang inyong pagbibigyan.

Sa pagkakataon namang maimbitahan ka ng isang Turkish sa kanyang bahay kinukunsiderang magbigay ng mamahaling regalo. Ang kadalasang ibinibigay na regalo ay pastries lalo na ang baklava. Maaari rin magbigay ng pangdekorasyon sa bahay tulad ng mamaha­ling vase. Hindi rin sila masyadong nagbibigay ng mga bulaklak pero maaari naman kung nanaisin. Magtanong lang sa florist ng magandang uri at arrangement ng bulaklak.
Kung ang bahay naman na bibisitahin ay may mga anak, mas maganda kung magdadala ng mamahaling tsokolate at kendi.

ACIRC

ANG

BAHAY

KAYA

KUNG

MAA

MAAARI

MAGTANONG

MGA

PERO

REGALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with