Anong Gagawin mo ‘pag Inabutan ka ng Tawag ng Kalikasan sa Highway?
Naku, hindi pa naman ako naaabutan ng ganitong senaryo sa awa ng Diyos. Pero lagi akong handa at may dala akong malaking plastic bottle sa ilalim ng upuan. Solusyon na ‘to ‘pag inabot ng delubyo sa highway. He he he. Buti na lang lalaki ako, walang kahirap-hirap ang umihi sa bote. - Lance, Malabon
Eh ‘di hahanap ng pinakamalapit na gasolinahan. Magaling naman akong magpigil ng ihi eh. ‘Yun nga lang minsan naranasan ko na ang ganito, huminto na lang ako sa emergency lane at nagtakip na lang para dyumingel. Buti na lang walang masyadong sasakyan ang dumaraan, kundi agaw-eksena talaga ako. - Mark, Bulacan
Buti na lang maraming puno sa mga highway namin dito sa probinsiya. Madali lang naman ang umihi basta may punong malaki ang manghaharang sa’yo. Isa ‘yun sa mga advantage nating mga kalalakihan. Kahit nakakahiya at nakakadiri, wala na tayong magagawa ‘pag tinawag ng kalikasan. - Ramon, Bataan
Dapat kasi bago magbiyahe ng malayuan umiihi na muna. Saka kung magbibiyahe ng matagal, iwasan munang uminom para hindi ihi nang ihi. Gayunpaman, kung aabutan ako nito sa highway hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. Paparada ako saan man ako abutan kesehodang hulihin ako. Ayoko magkasakit sa bato! - Richard, Cebu
Plastic bag ang solusyon ko rito. ‘Yung plastic ng yelo, madali nang dalhin eh pwede mo pang itapon sa susunod na gasolinahang mahihintuan. Aakalain lang nila na may bitbit kang extra joss. Ha ha ha. Pero ito ang naiisip kong gagawin ko ‘pag inabutan ako sa highway. - Bart, Valenzuela
- Latest