Pinakamalaking Alimango Kayang Umakap ng Isang Buong Sasakyan!
Grabe na ‘to! Alam n’yo ba na totoong may tinaguriang Crabzilla? Ito ang Japanese Spider Crab na pinakamalaking arthropod sa buong mundo!
Ang mga galamay nito ay pinaniniwalaang lumalaki ng hanggang 12 talampakan. Pero dahil ang naturang nilalang ay naninirahan sa pinakamalalim na parte ng karagatan, 1,000 talampakan o higit pa, wala pang nahuhuling fully grown na spider crab. Sa ngayon, ang pinakamalaking nahuhuling Crabzilla ay may habang 5 talampakan.
Kadalasang makikita ang mga alimangong ito sa Pacific. Ayon kay curator Graham Burrows, “It is rumoured these crabs can grow as big as four metres, big enough to straddle a car.
“He will absolutely dwarf the other crabs in there, but he’s not aggressive and they should have nothing to worry about.”
Matagal nang pinaniniwalaan ng mga sea life-lovers ang ganitong uri ng alimango. Makikita na rin ang mga ito sa ibang horror at sci-fi movies. Pinaniniwalaang nabubuhay ang mga ito ng hanggang 100 taon. Ang pinakamalaki umano sa alimangong ito ay naninirahan sa may lalim na 2,000 talampakan.
Talagang nakamamangha at marami pa tayong hindi natutuklasan sa kailaliman ng mga karagatan, tulad din ng sa kalawakan.
- Latest