Saan Nagsimula ang Dula?
Isa sa pinakapinupuntahan ng mga turista sa Rome, Italy ang Flavian Ampitheater o mas kilala sa tawag na Colosseum, na sinasabing isa sa mga pinakanaunang teatro sa buong mundo.
Sinasabing may tanda raw itong 1,946 years, ngunit nananatili pa rin itong nakatayo dahil sa tibay ng pagkakayari rito.
Kaya nitong punuin ang tinatayang sa pagitan ng 50,000 at 80,000 na manonood, at ginamit sa mga paligsahan ng mga manlalaban o gladyetor at mga pampublikong palabas, tulad ng mga hindi totohanang labanan sa dagat, pangangaso ng mga hayop, mga pagpugot ng ulo, mga muling pagsasadula ng mga kilalang labanan, at mga dramang batay sa mitolohiyang klasiko.
Itinigil ang paggamit sa Coliseum para sa aliwan noong unang bahagi ng panahong medyebal.
Ito ay kinalaunang muling ginamit sa mga layuning tulad ng pabahay, mga pagawaan at mga kuwarto para sa panrelihiyong kaugalian.
Hanggang ngayon nga ay hinahangaan pa rin ang kakaibang arkitekto ng Colosseum dahilan para mas puntahan pa ito ng mga turista saang mang panig ng mundo.
- Latest