Silent na Kaaway sa Social Media
Kung nagtataka na bakit ang ibang ka-friends sa Facebook ay sandamakmak ang nakukuhang “likes” na taliwas sa bilang na nagki-click sa mga pino-post mo sa social media.
Marami naman rason kung bakit konting likes lang ang nakukuha sa online world na hind man lang makapukaw ng atensyon para mag-trending.
Maaaring iba ang trip ng mga ka-friends, or hindi nila masakyan ang drama at emote mo sa buhay. Baka hindi rin feel ng ka-FB friends kahit ang mga hugot lines na pino-post.
May mga taong gustung-gustong i-like ang mga pictures, pero kahit ang mga stalker o silent na kaaway sa FB ay ayaw talaga ipaalam na fina-follow ka nila sa social media.
Minsan magkaiba rin ang pananaw ng mga tao lalo na ang mga bagets, kaysa sa mga mature friends sa social media. Mas impulsive rin ang mga kabataan dahil alam nila ang halaga ng maraming “likes” samantalang “no click” lang ang ibang ka-friends sa online.
- Latest