^

Para Malibang

Paano ba Talaga Gumanda?!

Pang-masa

May iba’t ibang kahulugan ang pagiging ma­ganda. Pwede mong sabihan sinuman na maganda siya, o ‘di kaya naman ay pwede kang makatanggap ng mga papuring “ang ganda mo!”

Pero mga beh, ang tanong, paano ba talaga gumanda? Ang totoo kasi niyan, nasa iyo ‘yan kung paano mo gugustuhing rumehistro sa mata ng mga tao.

Simpleng explanation nito ang motto o paniniwalang, “Always act like you’re wearing an invi­sible crown,” o sa wikang Filipino, “Umarte ka na parang may suot kang korona” ganerrrn daw!

Isa sa mga kilalang personalidad sa TV ang parang naisabuhay na ang nasabing kasabihan, andiyan ang komed­yanteng si Kiray Celis na kilala sa pagiging bibo, makulit, at maganda!

Akalain mo ba namang halos lunukin na raw ni De­rek Ramsay ang kanyang mga labi sa isang eksena sa kanilang pelikula? O, ‘di ba, ganda lang ang puhunan!

Kaya mga beh, kung nababahala ka sa iyong hitsura ay ‘wag nang mag-alala.

Dahil nasa mga kamay mo, kung paano ka makikita ng mga tao, at higit sa lahat, ang ganda ay sumasalamin sa kung ano ang nasa loob. Hindi mo kailangan ng sandamakmak na make up (kolorete) sa mukha, dahil laging tatandaan, hindi gaganda ang iyong pag-uugali kahit pa lumunok ka ng make-up.

Gayahin na lang ang famous answer ng ating Miss Universe 2015 na si Pia Alonzo Wurtzbach na “I am confidently beautiful with a heart.”

 

ACIRC

AKALAIN

ANG

DAHIL

GAYAHIN

ISA

KAYA

KIRAY CELIS

MGA

MISS UNIVERSE

PIA ALONZO WURTZBACH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with