Non-stop na Trabaho
Importante ang beauty rest o pagpapahinga. Kahit gaano pa gustuhing magtrabaho o kumita. May parte ng buhay na hindi kayang punuin tulad ng pamilya, kalusugan, at love. Kaya ang buhay ng tao ay na- hahati sa iba’t ibang bahagi na hindi kayang tumbasan ng pera o maipagpapalit sa lumipas na oras. Tulad ng pagpapahinga at pagkakaroon ng sapat na tulog kahit gaano kapa ka-busy sa pagtatrabaho.
Katulad ng battery na kailangan din i-recharge para magkaroon muli ng energy nang magamit at mag-function sa susunod na gamit nito.
Kung puro trabaho at overtime na lang ang gagawin, hindi rin naman magiging effective kung non-stop ang pagtatrabaho tulad ng robot ng walang pahinga. Kaya kapag nakararamdam ng pagod, sumaglit mag-break. Tumayo palayo sa desk, kumuha ng tubig, magpunta sa comfort room (CR), puwede ring makipag-usap sa kaopisina tungkol sa inyong trabaho. Kapag feeling naka-relax ay saka bumalik na sa trabaho.
Samantalahin din ang maaga at mahabang holidays sa darating na Semana Santa sa buwan ng Marso, ngayon pa lang ay markahan na ang kalendaryo at mag-book ng maaga sa mga pinaplanong get away para sa pamilya. Para pansamantalang makapahinga mula sa pagtatrabaho kasama ang pamilya.
- Latest