Rules ng Screen Time ng Anak
Ang mga electronic devices ay isang malaking pagbabagong aspeto bilang bahagi ng educational tool sa mga kabataan ngayon. Pero dapat tandaan na bantayan mabuti ang mga anak dahil sa sobrang gamit nito tulad ng iPad, tablet, cell phone, at computer ay nakakaapekto sa pag-aaral at pag-uugali ng mga bata.
Lumilipas na ang panahon ang mga bata ay naglalaro at nagtatakbuhan sa labas ng bahay kasama ang mga kaibigan na masayang naghahabulan at nagbibisikleta. Karamihan ng bata ngayon ay gusto nang “connected” sa mga electronic devices.
May hakbang para malimitahan ang paggamit ng mga bata sa teknolihiya:
Panganib – Ipaliwanag sa bata ang danger ng maling paggamit ng Internet. Dapat alam din ng bata kung kailan iiwasan ang posibleng kapahamakan sa pagkonek sa social media. Ang computer games ay rewarding sa bata, pero ito rin ang daan para ma-expose, maimpluwensiya, at maingganyo ang anak sa negatibong activities sa interaction nila sa social media.
Rules – Ang screen time ng anak ay dapat match sa goal at paniniwala ng magulang. Ano bang value ang gustong ituro sa anak? Anong puwedeng device ang resonableng gagamitin lang sa bahay? Anong araw o oras lang puwedeng maglaro? Ano ang nilalaman ng games na pinapayagan ang anak? Ano puwedeng panoorin? Ano ang gagawin kapag hindi sinusunod ang rules?
Priority – Madalas na distraction ang devices sa pag-aaral ng anak. Kaya dapat maturuan ang anak na unahin muna ang assignment at gawaing bahay, bago humawak ng kanilang mga tablet at maglaro.
Password/Passcode – Para hindi mangamba na hindi magamit ang Internet sa bahay habang nasa trabaho, dapat ang magulang lang ang may alam ng password. Lagyan din ng timer para kusang mag-turn off ang screen pagkatapos ng isang oras. Pero matatalino na ngayon ang mga bata, kaya alam na nila kung paano i-trace ang password. Kaya maging mas wais na maglagay ng security at private setting sa Facebook para maiwasan na mapanood ng bata ang mga pinagbabawal sa kanila.
- Latest