Bakit Kailangang Imasahe ang Paa?
Gawing regular na ritwal ang pagmasahe sa paa tuwing gabi bago matulog kahit sa loob lang ng 15 minuto. Mas mainam kung may ibang taong puwedeng magmasahe sa iyo, ngunit okey lang kung ikaw mismo ang gagawa. Ano ba ang kabutihang idudulot nito sa iyo?
1—Gumaganda ang daloy ng dugo sa bandang ibaba ng katawan.
2—Nagpapababa ng blood pressure. May kinalaman ang stress at anxiety sa pagtaas ng blood pressure. Base sa pag-aaral na ginawa sa University of Miami, ang pasyenteng may dementia na regular minamasahe ang paa ay nabawasan ang pagiging sumpungin. Bukod dito, bumaba rin ang blood pressure ng mga may alta presyon.
3—Nakakatanggal ng palagiang pagsakit ng ulo. Isang pag-aaral ang ginawa sa Denmark, natanggal o nabawasan ang pagsakit ng ulo pagkaraan ng tatlong buwang regular na pagmasahe sa paa.
4—Nababawasan ang pamamaga ng paa or edema sa mga buntis.
5—Nagtatanggal ng pagod at stress sa mga nagme-menopause, ayon sa Department of Nursing of Songwon College, South Korea.
- Latest