^

Para Malibang

Problemado sa GF

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Jonas. Ang problema ko ay tungkol sa aking gf. Hindi ko po alam kung dapat ko na ba siyang hiwalayan. Nakakaramdam kasi ako na may ginagawa siyang hindi maganda sa aming relasyon. Tuwing magka-text kami lagi siyang galit sa akin na hindi ko maintindihan. Madalas tungkol sa sahod ko at pagpapadala ko ang tinatanong niya kaysa kumustahin ako. Nung nasa abroad ako ay palagi ko siyang iniintregahan ng pera dahil gusto kong makaipon kami pero natatalo lang sa tong-it. Inaamin naman niya na natalo sa tong-it. Pero sa kabila ng lahat, alam kong mahal niya ako at mahal ko rin siya. Ngayong narito na ako sa Pilipinas at nagtatrabaho, ganun pa rin ang style niya. Ano po kaya ang mabuti kong gawin?

Dear Jonas,

Girlfriend mo pa lang siya pero kung mag-remit ka ng pera ay parang asawa mo na siya. May kasabihang bulag ang pag-ibig at hindi nakikita ang kapintasan ng minamahal. Pero kapag umibig ang tao, dapat hindi lamang puso ang pinaiiral kundi kailangan din ang isip at rason. Kung ngayon pa lang na hindi kayo kasal ay nagagawa na niyang ipatalo sa sugal ang perang pinaghihirapan mo, anong magandang future ang maaasahan mo sa piling niya? Alalahanin mo na magkakaanak kayo at ang kailangan sa isang babae ay masinop at marunong mangalaga ng pamilya. Habang magkasintahan pa lang kayo siguro ay puwede kang magpasensiya. Pero kapag mag-asawa na kayo at nagkaanak pero ganyan pa rin siya, hanggang kailan ka puwedeng magtimpi? Ikaw ang magdedesisyon sa buhay mo at anumang payo ay puwede mong sundin at puwede ring ibasura. Pero kung ako ikaw, kakalimutan ko ang ganyang uri ng babae.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

ALALAHANIN

ANG

ANO

DEAR JONAS

DEAR VANEZZA

HABANG

HINDI

IKAW

PERO

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with