Investment ng OFWs
Karamihan sa mga overseas Filipino workers (OFW) ay pansamantala lang ang trabaho. Kahit sabihin pang tuwing dalawang taon ang trabaho sa ibang bansa. O may regular na ang pinapasukan sa kompanyang pinaglilingkuran sa labas ng ‘Pinas.
Pero ‘di ba hindi maiiwasan na matatapos at matatapos din ang kontrata. Ang iba naman kung mamalasin ay emergency na napapauwi dahil sa pagkakasakit o aberya sa opisina.
May time rin na ang tagal nang nakatambay sa ‘Pinas dahil sa paghihintay ng tawag sa pinapasukang trabaho. Kaya habang maaga ang lahat ay hinihimok na mag-isip ng sariling negosyo o magkaroon ng investment. Para hindi lahat ng pera ay palabas, kundi ay nagkakaroon ng pagkakataon na may naiipon at the same time ay may pinagkakaabalahang negosyo ang pamilyang naiiwan.
Higit sa lahat ay alam ng mga OFWs kung saan napupunta ang pera, na hindi lang basta parang naglalahong bula.
- Latest