^

Para Malibang

Aswang Territory 16

Pang-masa

MADILIM ang silid ni Avia pero may liwanag ng buwan na naglagos dahil bukas ang bintana.

Dahan-dahan ang paglakad ni Armani, gusto niyang hindi malalaman ni Avia na siya ay nasa loob.

Naku-curious siya sa nobya kapag ito ay nag-iisa sa silid. Alam naman niyang may mali sa ginagawa niyang ito. At tiyak na maiinis sa kanya si Avia kapag nalaman.

Nakauklo si Armani sa tabi ng malaking kama. Hindi niya maaninaw si Avia, hindi pa niya makita. Naisip niyang baka nasa comfort room ito.

Pero may kumalabit sa kanyang likuran. Napaigtad siya sabay lingon.

“Avia!”

Nakapamaywang ang kanyang nobya. “You’re spying on me, Armani.”

“Ahm, huwag ka sanang magalit, love. Wala naman akong intensiyong masama.”

“Gusto mong makita kung paano ako magtu-turn into an aswang?”

“W-well, for curiousity’s sake only. Hope you don’t get offended. Sana okay lang sa ‘yo. Pero okay lang din naman kung babalik na ako sa room ko. No problem. Just want to say again that I’m sorry.”

Ngumisi si Avia. “Tayo ka na diyan. Halika.”

Tumayo si Armani at kinapitan siya ni Avia sa kamay.

“Halika, gusto ko sumama ka doon sa sanctuary ko.”

“Sanctuary? At ano ang gagawin natin doon?”

Hindi muna sumagot si Avia. Nakarating sila sa isa pang hindi masyadong malaking silid. A room within a room. Pumasok silang dalawa na hawak pa rin ni Avia ang kamay ni Armani.

Ini-lock ni Avia ang room. Kinilig si Armani.

“Avia, mahal … nai-excite ako. I’ll kiss you very, very gently, mahal. Promise. Hindi ako magiging bastos.”

Tinampal siya ni Avia. “Mahal! Hindi tayo nagpunta rito para maghalikan o ano pa man!”-  ITUTULOY

 

ACIRC

AHM

ALAM

ANG

ARMANI

AVIA

DAHAN

HALIKA

HINDI

INI

PERO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with