Distraction sa Paligid
Kung ikaw ang tipo na gustong nakapokus sa trabaho, kailangang bawasan ang mga distraction sa paligid lalo na ang ingay na nagpapasira ng konsentrasyon.
Iwasan muna ang pagsilip sa social media tulad ng Facebook, Instagram, Twitter, at iba pa. Sa inaakalang pagsu-surf ng mga kaganapan o update sa online world, hindi namamalayan na halos nakaisang oras o higit pa ang lumipas na oras. Mapapahaba ang tingin sa social media kapag napakuwento, pagsagot sa mail, kahit ang pagkawiling pagkokomento sa pictures na naka-post. Hindi alam na sa kaka-like ng click at panonood ng mga video clip ay marami nang nasayang na oras.
Patayin din ang TV kung nagtatrabaho sa loob ng bahay dahil tiyak na nakukuha ang atensiyon kapag nalingat sa panonood.
Makatutulong kung magtitimpla ng kape kung kailangan labanan ang antok para makapagpokus sa tinatrabaho.
- Latest