Aswang Territory 15
MATAPOS ang dinner, hinayaan ng mga kapamilya ni Avia na maipasyal si Armani sa napakalawak na garden, sa ilalim ng napakabilog na buwan.
“Napakaganda, napakalaki, at kayganda-ganda ng buwan!”
“So hindi ka na natatakot?”
“Bakit pa ako matatakot? Tinanggap na ako ng mga kapamilya mo. At kahit paunti-unti, at home na ako sa inyong mansiyon.”
“Salamat naman. At dahil talagang magtatagal pa tayo dito, I’m sure dadating ang panahon na ang lugar namin ay magiging parang it is also your own place.”
Nang biglang may mga dumaan at may mga tunog. Nasinagan ng maliwanag na buwan ang mga kalahating katawan sa ere.
“A-Avia … nakita mo ba ang mga ‘yon? Nakita ko sila, mga kalahating katawan lamang na may mga pakpak, lumilipad! Mga aswang sila, right? Parang nakabitin pa nga sa gitna ng hati ng katawan nila ang tila mga … bituka?”
Bumuntong-hininga si Avia. “Oo, mahal. Mga aswang nga sila. Kapag kabilugan ng buwan, lumalabas ang mga aswang para mag-hunt ng mga kakainin nila.”
“S-saan naman sila maghahanap ng mga pagkain nila?”
“Kahit saan. Ang mga aswang ay may powerful wings. Nakakarating kahit saan gusto. Hindi ba ‘yon naman ang sabi ko sa ‘yo?”
“Sa Amerika? Sa Europe? Sa Japan? Sa Africa?”
Tumango si Avia.
“At basta may makikita silang tao, dadagitin na lang nila, papatayin, kukunin ang mga lamang-loob?”
“No. At least, mga lahi namin ay hindi ganoon. Nasasalamin ng mga aswang ang pagkatao ng mga makikita nilang nilalang. Kapag mababait, nanghihinayang silang kainin. Kapag masasama, mas malasa para sa kanila. Kaya nakakatulong ang lahi namin para mabawasan ang mga masasamang tao sa mundo.”
Naniwala naman kaagad si Armani. “Maganda pala talaga ang lahi ninyo.”
“Ahm, sasamahan na kita sa iyong silid. At matulog ka na, ha? Don’t worry, tulad ng nasabi ko na sa ‘yo, safe ka rito sa amin.”
“Saan ka naman pupunta habang natutulog ako, Avia?”
“Sa aking sariling silid lamang. Saan pa?”
Pero pagkatapos maihatid ni Avia sa kanyang silid, agad palihim na sumunod si Armani sa kanyang nobya. Nakapasok siya sa silid nito. - ITUTULOY
- Latest