^

Para Malibang

Napuno na ang Salop

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako ay isang single mom na may 16 years old nang dalagang anak. Isang taon ko na pong tinanggalan ng cell phone ang anak kong babae dahil napuno na ang salop ko. Una, dahil sa nagbibigay ito ng distraction sa kanyang pag-aaral at nagkakaroon na rin ng mga manliligaw. Marami siyang kaibigan na bad influence sa kung anu-anong pinapadalang text sa kanya. Pero ngayon ay nakikiusap ang anak ko na nagbago na siya at nangangakong hindi na makikipag-text sa ibang bad na friend niya. Hindi rin siya makikipag-text sa mga lalaki. Gumaganda naman ang kanyang grades at bumalik na rin ang pagiging marespeto niya sa akin. Pero natatakot akong maulit ang nangyari sa aming mag-ina na nag-away dahil sa maling paggamit niya ng cell phone. Kaya ko lang naman siya binigyan ng CP noon ay dahil reward ko ito sa kanya dahil naging honor student siya. Ano po ang gagawin ko? Payuhan n’yo po ako. -  Tess.

Dear Tess,

Hindi naman natin maiiwasan at mapipigilan ang paggamit ng celfone. Sapat na ang isang taon bilang pagtutuwid sa pagkakamali sa iyong anak. Ibigay mo muli sa kanya ang tiwala at pag-usapan ninyong mag-ina ang pinaglilimita mo ng paggamit niya ng CP.  Tiyak na natuto na sa kanyang pagkakamali ang bata. Hayaan mo siyang humawak muli ng celfone at bigyan ng kalayaan sa pagti-text basta sa magandang hanga­rin at tamang gamit. Huwag mo rin kalimutan na kausapin siya ng positibo upang malaman niyang pinatawad mo na siya at nagtitiwala ka muli sa kanya.

Sumasaiyo,

Vanezza

ACIRC

ANG

ANO

DEAR TESS

DEAR VANEZZA

GUMAGANDA

HAYAAN

HUWAG

IBIGAY

PERO

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with