Bagong Fajita rice meal ng Taco Bell hindi ka bibiguin
Kung Mexican food ang pag-uusapan, isa ang Taco Bell sa pumapasok sa isipan ng karamihang Pinoy. Hindi na bago ang Taco Bell sa bansa dahil ilang taon na rin silang nagpapasaya ng mga foodie!
Dahil mahilig sumubok ng bago ang inyong lingkod at aaminin kong hindi kumpleto ang aking pagkain kung walang kanin, natuwa ako nang makita kong may bagong rice meal ang Taco Bell. Ito ang Fajita Rice Meal na nagkakahalaga lang ng P139.00. Masasabing kumpleto ang rice meal na ito dahil sa may kasama na rin itong regular sized drink.
Matagal na rin ang rice meals ng nasabing fastfood chain dahil na rin siguro sa request ng kanilang loyal customers. Burritos, tacos, at nachos kasi ang specialty nila pero aminin natin na mahilig talaga sa kanin ang mga Pinoy.
Sa plating pa lang ay panalo na, talaga namang katakam-takam at ang bangu-bango ng aming order. Kahit nakalagay sa parang canteen plate ang kanilang pagkain, mahihiya ang ibang fastfood chain sa kanilang presentation.
Dumako naman tayo sa lasa, ang malaking serving ng kanin ay may seasoning, parang kanin pa lang ay gaganahan ka na talaga. Amoy pa lang ng herbs na ginamit ay mapaparami ka na sa pagkain. Sa ibabaw nito ay ang fajita, beef strips na ang lasa ay may hawig sa bistek nating mga Pinoy pero may kakaiba pang lasa. Sa gilid naman ay ang kanilang signature nachos, fried toritilla chips na may cheese dip. At sa kabilang gilid ay mayroon din silang salad, iceberg lettuce yata ito na may tomato-basil salsa. Fresh na fresh ang kanilang salad at nagku-complement sa matamang na lasa ng kanin at fajita. Hindi ka talaga mabibitin at sigruadong tipid ka pa dahil sa drink na kasama ng meal na ito.
Overall, isa uling disenteng rice meal at swak pa sa bulsa ang bago sa menu ng Taco Bell. Sana madagdagan pa ng variant ito, available rin sa Pork Barbecue at Chili Beef (na una kong minahal, hehehe) ang rice meals nila.
Buuuuurp na burp!
Para sa mga katanungan at suhestiyon maaaring mag-email sa [email protected].
- Latest