^

Para Malibang

Produkto ng mga Katutubo Tampok sa 23rd Fair Manila

Pang-masa

Tampok ang mga produkto ng ating mga katutubo sa kasalukuyang ginaganap na 23rd Fiesta Fair Manila sa Greenhills Shopping Center sa Ortigas Ave., San Juan City. 

Ang mga piling produkto na kinolekta ng importers at mall suppliers mula sa mga NGO na kumakatawan sa mga grupo ng katutubong tao ay kinabibilangan ng bags, belts, at baskets ng Mangyan na gawa sa halamang gubat tulad ng bamboo at buri, bamboo tubes, wooden guitar-like instruments, mouth harps, bronze gongs at drums ng T’boli; wood sculptures, woven fabrics at brass jars ng mga Tasaday; mga alahas ng Tausugs; winnowing baskets, rattan flute, fishing gear, rattan hammocks, kapote, at banig na gawa sa palm leaves ng mga Aeta; at table cloth, sumbrero, cooking at drinking utensils, at iba pang draperies ng mga Igorot. 

Matutunghayan ang mga ito sa ilan sa 1,400 stalls na kalahok sa isang buwang fair (Enero 8-Pebrero 1).  Dahil ang kaganapang ito ay isa ring clerance sale, lahat ng mga goods, mula sa novelty items, giveaways, RTWs, jewelry, footwear, leather goods, undergarments, local arts at crafts, contemporary at antique furniture at home furnishing ay ibebenta sa halos giveaway cost. Mayron ding cell phone units at accessories at mga pagkain.

Ang fair ay inorganisa ng Prime Asia Trade Planners and Convention Organizers (PATEPCO) na pinamumunuan ni Henry G. Babiera, na tinaguriang “Tiangge King” dahil sa halos apat na dekada niyang karanasan sa ganitong larangan.

Ang fair ay bukas mula ika-10:00 n.u hanggang ika-8:00 n.g. Lunes hanggang Biyernes at mula ika-10:00 n.u. hanggang iak-9:00 n.g. tuwing Sabado at Linggo.

 

AETA

ANG

BABIERA

FIESTA FAIR MANILA

GREENHILLS SHOPPING CENTER

HENRY G

MGA

ORTIGAS AVE

PRIME ASIA TRADE PLANNERS AND CONVENTION ORGANIZERS

SAN JUAN CITY

TIANGGE KING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with