^

Para Malibang

Tumatagas na Gripo

Pang-masa

Isa sa mga kadalasang problema sa ating mga tahanan na hindi binibigyang pansin ay ang tumatagas  na gripo. Iniisip ng karamihan sa atin na ang tumutulong gripo ay hindi malaking problema. Pero ang hindi natin alam, bukod sa isa ito sa dahilan ng paglobo ng water bill, galung-galon din ng tubig ang nasasayang bawat araw.

Simulan ang pag-inspeksyon sa nagli-leak na gripo sa pagpatay ng main switch sa kuntador ng tubig para maiwasan ang anumang aksidente.

Ang pinaka-common na uri ng gripo ay ang compression-type faucet. Kung hindi ka sigurado sa uri ng gripo mayroon kayo, maaring tingnan ang pangalan ng manufacturer sa mismong gripo at hanapin sa Internet.

1. I-unscrew ang faucet handle at tanggalin ito. Ang screw ay maaring nakatago sa may disenyong metal o plastic cap, maaari rin itong makita sa likod ng handle.

2. Tanggalin ang packing nut. Kinakailangan ng pliers para rito. I-unscrew din ang valve stem at tanggalin ito sa pinaka-housing.

3. Tanggalin ang screw na nagkakabit sa washer sa stem. Tingnan nang mabuti at inspeksyunin kung ito’y nag-deteriorate na. Kung hindi pa mas­yado maaaring ang valve ang may sira.

4. Kung anuman sa dalawa ang may sira maaaring bumili sa hardware ng washer o kaya’y mismong valve. Kadalasang may kasamang kit ang washer para sa mas madaling magpapalit nito.

Ito po ang inyong Kum­punerong Kuya na nagsasabing, kung gusto ay maraming paraan!

ACIRC

ANG

GRIPO

INIISIP

ISA

ITO

KADALASANG

KINAKAILANGAN

KUM

STRONG

TANGGALIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with